Naitanong niyo na ba sa sarili niyo kung pano kayo matatandaan ng mga tao sa paligid natin. Araw-araw kung ini-isip kung paano ako makapag-iiwan ng aking yapak na siyang matatan-daan ng karamihan. Susundin ko ba si rizal? Si bonifacio? At kung sino pa mang mga bayani ng ating bansa? Na kung saan ini-iisip muna nila and kapakanan ng iba bago ang kanila.
Sa panahong ito bihira na lang ang nag-aastang bayani… Masisisi ba naman natin sila? Sa hirap ng buhay ngayon paano nga naman natin iisipin ang kapakanan ng iba bago sa atin! Marami sa atin ang nagiging sakim, makaraos lamang sa kahirapan, tulo’y, pabagsak ng pabagsak ang ating bayan. Ang pasakit at dugo na inialay ng ating mga bayani ay waring nakakalimutan na natin sa tuwing lumilihis tayo ng landas.
Ganito ba natin gustong matandaan ang ating kasarinlan? Ang sagot, “Syempre, Hindi”. Mamulat tayo, bumangon uli at maging ehemplo ng pag-babago. Magsimula tayo sa ating sarili, at maging huwaran ng isa’t-isa. Marahil hindi natin mababagong tuluyan ang atin bayan na lugmok na sa paghihirap sa isang idlap lamang, subalit, tayo and magiging daan upang ang pag-hihirap ay mahinto na at pagbabago ay masimulan.
Matatandaan kita! Ika’y isang bayani…. Ang siyang tanging tugon ng ating inang bayan!
sayang hindi ko ito natapos dahil sa KABA!
Elmo
No comments:
Post a Comment